Saturday, February 20, 2010

forty & wise na ang friend ko...


Ang tawag ko sa kaniya ay Hedgardo… (para kasi malaman mong super close ka sa akin... ang tawag ko sa iyo ay buong pangalan), isa sya sa itinuturing kong pinakamalapit, matalik at sanggang dikit na kaibigan… sa pinaglilingkuran kong kumapanya “Tasnee” sya nakilala, taong 2002 yaon… unang salta nya dito sa KSA, kita ko na sa kaniya agad ang kadalisayan ng kaniyang kalooban… lalim eheheheh pero totoo iyon, meron akong esp pagdating sa mga ganiyan… napakasimpleng tao nyan na may simpleng pamumuhay gaya ng kaniyang blogsite “simple life” kahit lubhang pinagpala di lamang financially… meron syang paninindigan sa kaniyang pinaniniwalaan… di basta basta nagpapadala sa silakbo ng damdamin… isang genuine socialite… mabuting anak kay Mommy Elvira… masarap magluto ng pancit malabon… mahilig mangolekta ng bravia at ibat ibang tselfon… magaling na game master… mahilig mamigay ng safety gift… cat safety shoes… at jarir voucher!

Kaya… kabayan… kaibigan, kaadik, fwend, ka fb, ka fs, ka tasnee, chatmate, text mate… isang taos pusong pagbati po ang aking ipinararating sa iyo… taos pusong pagpapasalamat din sa iyong pakikipag-kaibigan… isa kang pagpapala at mabuting kaloob mula sa maykapal… isang nilalang na tunay na maasahan… maunawain… mabait… maasikaso… mapagkakatiwalaan… may paninindigan… may prinsipyo… sincere… pinagpala… may mabuting kalooban… honestly… blessed ako at proud sa lahat ng mga achievements mo… sa bawat bagay na nakakamtan mo… maligaya ako sa pamilya (pero mas type ko ilagay ang kapuso…) mo at lubha kayong may pagpapahalaga sa magulang, may pagpapahalaga sa relasyong tayong mga pinoy lamang ang higit na nakakabatid… sa araw na ito at sa mga darating pa sa iyong buhay… hangad ko ang patuloy mong tagumpay… nawa’y patuloy kang gabayan ng ating Panginoong Diyos… patuloy nyang iabot sa iyo ang Kaniyang mapagpalang Kamay… ang ilaw na nagmumula sa Kaniya ang iyong maging tanglaw sa pagtahak mo tungo sa katagumpayan ng iyong bawat mithiin sa buhay… patuloy ka Niyang bigyan ng katatagan ng Pananampalataya, mabuting kalusugan at higit sa lahat ay ang pagpapalang ispiritwal… kaya muli kaibigan… mabrouk at ISANG maligaya at mapagpalang Ika-apatnapung Kaarawan…!

Tuesday, August 18, 2009

birthday greetings to a friendly socialite!

18 August 2009 (8:45pm)

Kaibigang Rodante,

Ang takdang oras ay sumapit na… at iyon nga ay ngayon na! Upang kami na mga kaibigan mo ay iisang tinig na babati sa yo ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan… eksaktong apatnapu at limang taon na ang sadyang matuling lumipas ng ikaw ay isinilang ng iyong mahal na nanay… 19 ng Agosto taong nayntin sexti por, ang isa sa mga petsang di malilimot ng mga adik mong friends… dahil sigurado walang pagsidlan ang kagalakan sa katuwaan at salu-salong ilalaan sa aming mga mala-piranhang tyan!

Hangad po namin ang higit pang pagkakabuklod buklod ng bawat isa bilang mga tunay na magkaka-ibigan… nawa’y patuloy mong kamtin ang ganap na katuparan ng lahat mong mithiin sa buhay… alam kong halos lahat ng kasaganaan ay nasa mga palad mo na… kaya ang aking bukod tanging handog sa iyo ay ang patuloy na panalanging magkaroon ka ng higit na kagalakan na sa iyong puso’y mananahan… patuloy na kapayapaan iyong kamtan sa tulong ng ating Maykapal… biyayaan ng malusog na pangangatawan gayon din pang ispiritwal at pinansyal… patuloy ka nawang magdulot sa amin ng kagalakan bilang isang kaibigang tunay na maasahan… marami pang oras at araw na pagsasaluhan… sa galak… lungkot at ligaya… nawa’y walang iwanan… isa kang kaibigang handang ialay ang mga bagay na di pangkaraniwan… tunog ng iyong pangala’y may kabutihang taglay… di malilimot milenyo man ay lumisan… Maraming salamat sa iyong pakikipagkaibigan aming mahal na KAIBIGAN!

Have a blessed & peaceful birthday!

Seven

(di ko na po mahintay ang 12mn... antok na po me!)

Monday, August 3, 2009

blessed birthday greetings...

… sa araw na ito ay dapat ipinagdiriwang natin ang iyong ika-78 kaarawan… taong 2009… subalit nilisan mo kami ng ika-6 ng Disyembre… na straight tuloy tayo… 6-7-8-9!

… missed ka na naming lahat, lalo na ako! subalit sa bawat pagkakataong ako’y nasa aking kwarto mananatili kang buhay sa bawat sulok nito… dahil naroron at nakasabit ang iyong mga larawan! Lalo’t higit sa puso ko.

… sa pagkakataong ito, nais kitang batiin ng buong puso… maligayang maligayang kaarawan sa iyo at nawa’y maging masaya at mapayapa na kayo dyan sa kinaroroonan ninyo kapiling ni Tatay, Kuya Nomer at Ate Leila.

… maraming maraming salamat sa lahat ng bagay at ala-ala mong iniukit sa aming mga puso na kahit sa mga huling taon mo ay pinili mong ako’y makasama… kaya pala pinilit mong ako’y umuwi ay upang sa pagdiriwang ng iyong kaarawan last year… kapiling mo ako sa iyong kasiyahan… nakalulungkot mang isipin ay iyon na pala ang huling pag-celebrate natin ng birthday mong kasama ka namin.

… salamat din dahil binigyan mo ng katuparang maka-uwi ako ng Disyembre last year dahil iyon ang balak ko… gumawa ka ng paraan upang makauwi ako…. iyon nga lamang ay isang napakalungkot na paraan… subalit maraming salamat po mula sa kaibuturan ng aking puso na kahit buhay mo ang kapalit matupad lamang ang plano ko… naging okay lang po sa inyo!

… nay isa ito sa pinakamalungkot na araw sa buhay ko, dahil ito ang unang pagkakataong dumating ang araw ng birthday mo na di ka namin kapiling… di ka namin mayayakap at mahahalikan… di ka namin personal na mababati! nakalulungkot at mabigat mang tanggapin… ito ang nararapat upang maging maayos ang lahat.

… alam kong kapiling ka nila dyan sa bahay… sa munting salu-salo sa araw na ito… happy birthday po at mahal na mahal ka namin… at anumang salita ay di maaring ikumpara sa pagmamahal na nais naming iparating sa inyo.

… nawa’y manatili namin kayong gabay kasama ni tatay, kuya at ate… sampu ng ating mahal na Panginoong Diyos.

… maligayang… maligayang… maligayang kaarawan pinakamamahal naming nanay PURING!

Sunday, August 2, 2009

her last birthday... (worth remembering!)

Habang sinisimulan ko ang pagtipa ng salaysay na ito ay pilit kong minumuni-muni kung saan ko pasisimulan… buwan ng marso taong 2008 ako’y nagbakasyon upang tunghayan ang pag graduate ng alaga namin sa bahay na si John john… marami syang nakuhang karangalan na lubos na ikinatuwa namin lalo na si Nanay Puring… at pagkatapos niyon ay nagbakasyon kami sa Baguio!
Muli akong bumalik ng KSA, bago magtapos ang buwan ng Marso… fast forward! Buwan ng Hunyo ng magka-usap kami ni Nanay Puring at tinanong nya ako kung kelan daw ako muling magbabakasyon dahil sabik na daw sya sa akin… ang tugon ko ay kelan nyo ba ako gustong magbakasyon? Sa birthday ninyo o sa Disyembre para maraming okasyon at masaya… dahil ang talagang balak ko ay uuwi ako sa Disyembre dahil nga maraming araw ng kasiyahan… ang tugon sa akin ni nanay puring ay sa birthday na lang daw nya at ang tagal tagal pa daw ng Disyembre… kaya ang aking muling tugon sa kaniya… o di sige sa birthday nyo na lang kahit gusto ko ang Disyembre!
Katapusan ng July ng ako ay lumisan lulan ng Etihad Airways… heto ang aking kauna-unahang pagsakay sa Etihad at sadyang nagustuhan ko ang kanilang pearl class… dahil mayrong partisyon ang bawat upuan at magagawa mo ang gusto mong gawin ng di ka makakadistorbo sa iyong katabi… iniunat ko ang aking paa upang mahiga na… di ako makatulog dahil excited lagi kasi ako kapag magbabakasyon… subalit kinuha ko pa din ang rc at ni-search ko ang mga available na pelikula at mga awiting pwedeng pakinggan… di ko rin ipinagpatuloy dahil mas naisip ko na lang na mag-isip ng mga gagawing preparasyon para sa celebration ng 77th birthday ni Nanay Puring!
Paglabas ko ng NAIA isa si Nanay Puring sa mga sumundo sa akin… niyakap ko sya at hinalikan!
Kinabukasan ay sadyang di maayos ang panahon… laging ulan ng ulan kaya di namin alam kung itutuloy ang celebration! at exactly one year today ng kausapin ako ni Nanay Puring na huwag na daw syang ipaghanda ng marami dahil mas gusto na lang daw nya na ipaayos iyong bubong sa kwarto nya dahil kasi may kisami at kapag umulan ng malakas baka pumasok ang tubig sa loob masira ang kisame… pati na din daw iyong dingding sa may likurang bahagi ng aming bahay… kaya sabi ko sa kaniya… kaya nga ako nagbakasyon ay para magkaroon ng masayang pagsasalu-salo sa birthday nya na halos tatlong pares ng kasuotan ang iniuwi ko para sa okasyong yaon… kaya huwag syang mag-alala na maghahanda kami ng magarbo at ipagagawa ko din kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa bahay… tuloy pa din ang ulan!
Subalit sadyang kay bait ng pagkakataon… bago mananghali ay biglang uminit ang panahon na sadyang sikat na sikat ang araw… kaya dali dali kaming umalis ng bahay para sa mga dapat na preparasyon… una kong pinuntahan ay ang mga balloons ang mga kagamitan… mesa, silya… tapos ay nagpunta kami ng goldilocks… subalit naikot na namin ang buong cavite… ayaw tumanggap ng order ng layered cake kasi less than 24 hours na lang… subalit sa halos kahuli-hulihang goldilocks na pinuntahan namin... sa may noveleta ay naipakisuyo po namin ang cake para sa kinabukasan… tinanong ko kung ano ang mga available design na pwede nilang i-accommodate ng less than 24 hours… kahit napaka simple okay na!
Sumunod naming pinuntahan ay ang SM, Bacoor para bilihin ang isang white tokong na pampalit nya sakaling mainitan sa unang damit na isusuot nya… kasi meron akong biniling golden blouse para sa kaniya ng minsan kami’y magawi sa Centrepoint Al-Khobar… habang naghahanap kami ay tawag ako ng tawag don sa magluluto ng lechon at pinamalengke ko na din ang aking ate para sa mga food na lulutuin nya… pagawa ng simpleng banner at siguruhin na mayrong ikakabit na lona bilang palandong sa lugar na pag-gaganapan... hay kapagod…!
Habang abala ang aking mga kapatid na babae sa pag-aayos ng mga lulutuin, pagluluto at pagbili ng kung ano ano mga bagay na gagamitin para sa pagkain… nilinis namin at isinaayos ang lugar na pagdara-usan ng salu-salo… paglilinis ng bahay ang iba… dumating na ang mga balloons, mesa, silya pati na din ang mga sisidlan ng pagkain, ang banner… ikinabit na din ang mga posibleng pampaayos at pampaganda ng lugar dahil sa sobrang ikli ng panahon… kahit anong maayos na pwedeng ilagay… okay na…!
Nakaligo na si nanay puring… nagpabihis ng di namin namamalayan… kaya pagpasok ko ng bahay ang tanong ko bakit nakabihis agad sila… ang sabi ko kay nanay puring, pupunta pa kayo ng parlor bakit nakabihis na sila at kumpletos alahas na?... maya maya… biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at sobrang lakas ng hangin na tinangay lahat ng mga naiayos ng lugar, pati ang lona, ang mga mesa at sapin… basa lahat… nagdilim ang paligid at kumulog at kumidlat!
Kaya ang sabi ni nanay puring… huwag na lang pumunta ng parlor… siguro nag-aalangan na din kung tuloy pa ang salu-salo… sa isip nga namin, may darating pa bang bisita kung ganon ang lagay ng panahon… pero sabi ko, rain or shine… tuloy ang celebration!
Thank GOD! dahil matapos ang sobrang lakas ng hangin at ulan… biglang silip muli ng araw… uminit ng pagkatindi-tinding init… kaya balikwasan ang lahat… ibinalik ang mga dating ayos bago pa man magdatingan ang mga bisita… pinasamahan na sa parlor si nanay puring upang maging maganda sya pagdating ng kaniyang mga bisita… dumating na ang cake, lechon, ice cream… naluto na ang mga pagkain… naisayos na ang lahat… nagdatingan ang mga bisita… complete attendance ang lahat ng anak, manugang… apo at mga anak ng mga apo… kitang kita ko ang kagalakan ni nanay puring… marami syang natanggap na regalo at maraming picture taking din! ang may akda: seven

Sunday, May 10, 2009

pag-uulayaw sa kalangitan!

09 May 2009 / 10:30pm

Nais kong matulog ng maaga sa araw na ito dahil sa pagod ng nagdaang araw… para na rin paghahanda sa maagang pag gising dahil maraming dapat asikasuhin sa araw ng bukas sa kadahilanang bago ako umulis ng opisina sa araw na ito ay inabisuhan ako ng aking bosing na meron daw kaming audit bukas… imagine bukas ang audit sasabihan ka pauwi ka na… okay lang at least sa kaugaliang iyan ng mga katutubo kami kumikita dito sa ibayong dagat bilang OFW.

Bakit parang naiba ang tema… bumangon ako dahil gusto kong magsulat para batiin si nanay puring at ang aking mahal na tatay viring… habang sinusulat ko ito ay nagpapalitan kami ng sms ng aking sister na siyang laging kasama ni nanay puring sa bahay… siya daw ay nalulungkot, di makatulog dahil mothers day na nga… naaala-ala nya si nanay puring gaya ko! Ito kasi ang unang mothers day na di ko mababati ng personal si nanay puring… hindi ko maririnig ang magiliw nyang pasasalamat sa pag-ala ala ko sa kaniya… noong isang taon lamang… naisip kong personal na bigyan ng tribute si nanay puring… without knowing na iyon napala ang huling mothers day na babatiin ko sya sa telepono… magpapabili ng roses para sa kaniya at kung hindi cake ay ice cream ang kasama depende sa gusto nya matapos naming mag usap sa telepono… ang dami kong gustong sabihin… ang dami kong gustong isiwalat sa panulat patungkol sa pag-ibig ko at pag giliw sa aking pinakamamahal at dakilang nanay puring… subalit laging di ko malaman kung san magsisimula… isinusulat ko ito ay walang tigil sa pagtulo ang aking luha… dahil ano man ang gawin ko, di kona sya makikita at mayayakap pa… di ko na sya mapipisil, mahahalikan… di ko na mahahaplos ang kaniyang mga pisngi… di ko na sya makikiliti… higit sa lahat hindi ko na muli pang makikita ang tamis ng kaniyang mga ngiti… ang hirap pa ring alalahanin… mabigat pa rin sa damdamin kapag dumarating ang pagkakataong matitingala ako at lilibot ang paningin ko sa kabuuan ng aking silid… dahil naroroon at buhay na buhay ang mga larawan ni nanay puring… siguro darating din ang pagkakataong… maligaya kong tatanggapin na sadyang lumisan na ang aking nanay…!

Dapat masaya ako sa araw na ito… dahil magka date ang aking nanay at tatay doon sa dakong itinakda ng Poong Maykapal… dahil sa araw ng bukas (10 may) [di ko kasi maipo post ito today dahil nasira ang aking internet connection dito sa bahay… kaya kelangan kong dalahin sa opisina] ay araw ng mga dakilang babae sa buhay ng bawat isa… at sa susunod na araw (11 may) ay dakilang kaarawan naman ng aking namayapang tatay viring… malungkot ako at ang buong pamilya namin sa pagkakataong ito dahil habang ang buong mundo ay nagdiriwang ng may kagalakan sa araw ng mga ina… ngayon naman ang unang pagkakataong di naming kapiling sa okasyong ito si nanay puring… subalit maligaya naman ako dahil aking iisipin na mayroon date si nanay puring at tatay viring para ipagdiwang nilang muli matapos ang napakahabang panahon, labinglimang taon… ang mothers day at ang birthday ni tatay viring. Nay at Tay… ganon na rin ang aming mga panganay na kapatid na lalaki at babae… sila kuya nomer… at ate leila… enjoy nyo ang grand celebration nyo dyan… bagamat malungkot kami dito… alam naman naming kayo‎‎‎’y magkakasama sama dyan… don’t worry nay… okay na po kaming magkakapatid… siguro naman kitang kita nyo noong inihatid ka namin… nay at tay, kuya nomer at ate leila… mahal na mahal ko kayo, mahal na mahal namin kayo… at sakali man na ako’y paulit ulit na lumisan at bumalik sa daigdig na ito… kayo pa rin ang labis kong pipiliin na maging magulang at mga kapatid… i-enjoy nyo po ang inyong reunion diyan!

Paala-ala ko sa bawat isa… kahit na mayron na tayong kani-kaniyang mga asawa at pamilya… huwag nating kalilimutang alalahanin at bigyang halaga ang ating mga nanay… dahil sila ang mga taong di natin pwedeng mapalitan sa ating buhay… huwag natin silang ipagsawalang bahala… ibigay natin sa kanila ang pagkilalang nararapat lamang na ipagkaloob natin sa kanila… huwag na nating hintayin pang maging huli ang lahat bago tayo maka-isip na ipadama sa kanila ang ating pagmamahal at pagkalinga… unawain nating silang lubos higit sa pang-unawang ibinigay nya sa atin ng mga panahong di tayo kauna-unawa… ng mga panahong ang kahulugan sa atin ng kaligayahan ay ang magsaya at magdiwang kasama ng ating barkada… ang mga ngiti ay nasa ating labi sa bawat pagkakataong sinusuway natin ang kanyang kagustuhan… bigyan ng importansya ang iba kaysa sa kaniya… tapos na ang mga panahong yaon… marami pa tayong pwedeng magawa para bigyan sila kahit kaunti man lamang kaligayahan… ang maala-ala mo lamang sila at masabihan ng I love you ay sapat na sa kanila… happy mothers day po sa lahat ng mga ina ng tahanan!

Wednesday, January 7, 2009


…sa aking paglalayag sa karimlan, nakita at nabasa ko heto na akmang akma sa aking damdamin para kay nanay puring! Isinulat ito ni bb. ruth ann mahaffey… kaya pahingi mo ng permiso… kung di nyo kilala si ruth (pareho lang po tayo)… kaiyak po!

"Farewell, Dear Mother"

Somewhere in my heart,
Beneath all of this pain,
Is a smile I still wear...
At the sound of your name.

The precious word is "MOTHER"
She was my world, you see,
But now my heart is breaking,
She's no longer here with me.

God chose her for His angel
To watch me from above,
To guide me and advise me
And know that I'm still loved.

The day she had to leave me,
Her life on earth was through,
But God had better plans for her
For this, I surely knew

When I think of her kind heart
And all those loving years,
Because we're only human,
They're bound to bring us tears.

She truly was my best friend,
Someone I could confide in,
She always had a tender touch,
A soft and gentle grin.

I want to thank you Mother
For teaching me so well,
Even though the time has come,
That I must bid you farewell.

I'll remember all you've taught me
To put God above all others...
For I had no better teacher,
Than you ..... My Dear Mother.

Even though you've left this earth
And had to take your flight,
I know that you are here with me,
Each morning, noon and night.

~Author!
Ruth Ann Mahaffey
©Copyright2001

Tuesday, January 6, 2009

nay... sa iyong paglisan...

Tanging yaman… Hiram… at Paglisan… mga awiting aking personal na ni-request sa Parish Choir… upang awitin nila sa araw na kung saan ay ihahatid na namin sa huling hantungan ang katawang lupa ng aking pinakamamahal na Nanay Puring…!

Sa aking pag-iisa, paulit ulit kong iniaalay ang awiting ito sa kaniya…

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan
Ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig
Hmmm

Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin ahhh
Di man umihip ika'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ooh ooh ooh ooh

Nay… mas higit pa sa pag-ibig ang aking pabaon sa iyo… alam kong napakinggan mo ang mga salitang aking binitiwan bago ka namin inihatid… hindi ako nag-paalam sa iyo… dahil ayaw kong isipin at pilit kong sinasabi sa puso ko… magkikita-kita pa tayo… maaring hindi ko batid ang oras at araw na yaon… subalit patuloy akong aasa at pakamimithiin na sa pagdating ng araw na yaon… magbabalik muli sa ating lahat ang kaligayahan!