Saturday, November 1, 2008

death... our destiny?!?

Sa pagkakataong ito… nais kong mag-share patungkol sa kamatayan… dahil na rin siguro almost half of the world ay nagse-selebreyt ng all souls/saints day… why? dahil ayon sa aking pagkakatanda noong elementary grade pa lang ako sa aming religion subject na sa mga panahong ito raw bumababa ang mga kaluluwa mula sa purgatoryo ng mga namayapa na… at kaya tayo nagtitirik ng mga kandila sa mga pumanaw na ay bilang pagbibigay ilaw na tatanglaw sa kanilang daraanan habang naglalakbay patungo sa langit… kaya na rin may bulaklak tayong dinadala ay bumibisita nga sila sa kanilang mga puntod… ayon sa aming guro na sa aming payak na kaisipan… wala kaming powers na makapagtanong… in short sa isip ng bata kung ano ang ipinasok mo… iyon ang tatandaan nila… kaya ang lahat po ay paka-ingat sa mga kaalamang ating ipinapasok sa kaunawaan ng isang musmos o bata pa lamang! Ayon nga sa isang talata sa banal na aklat, ang guro… doble ang parusang tatanggapin sa bawat mali niyang itinuro.

…nang magkaroon ako ng pagkakataong basahin ang nilalaman ng bibliya at maunawaan at patuloy na inuunawa ang bawat salita, talata at kabanata nito… ay natutunan kong wala namang itinuturo o nabanggit man lamang patungkol sa purgatoryo… pati na ang kandila para tanglaw sa kanilang paglalakbay… kaya nasa atin na rin kung tayo ay susunod sa tradisyon na ating nakagisnan… tama man o mali. Dahil kung ako ang tatanungin, sa hirap ng buhay ngayon… sa mahal ng kandila at bulaklak sa mga panahong ito… maari na itong gamitin pambili ng mga pagkain ng mga naghihikahos… dahil talaga namang di na makikita o mararamdaman ng mga namayapa nating mga mahal sa buhay kung ano man ang gawin natin para sa kanila… kaya habang buhay pa ang mga mahal natin sa buhay…ipakita natin ang ating pagmamahal at concern sa kanila habang pwede pa nilang i-appreciate ang mga ginagawa natin… hindi kung wala na doon natin itotodo ang pagbili ng mamahaling lalagyan nila na matutunaw lamang sa loob ng libingan… ang nais ko lamang ipabatid ay… pwede nating alalahanin ang mga namayapa nating mga loved ones… sa pamamagitan ng pagtupad o pagsunod sa mga magagandang bagay na itinuro nila sa atin… ang sa akin lamang ay pagpapabatid at hindi ko naman sinasalansang ang mga nakagisnan natin.

…kapag napag-uusapan ang mga namayapa… ang unang una nating maririnig ay… wala na, sabay turo sa langit at nandon na raw ang namayapang mahal sa buhay o kakilala… na kay Lord na… isipin natin kahit sinong masamang tao kapag namatay ang sasabihin ng pamilya nya… napakabait nya… kasama na sya ni Lord sa langit… kung ating lubos na uunawain na kahit gaano kasama ng isang tao pag namatay pala nasa langit at kasama na ni Lord.

…para di tayo malihis ng kaunawaan ay pagdamutan ninyo ang munting kaalamang ito, ang isang tao/nilalang ay binubuo ng tatlong mahahalagang components… body, soul & spirit. Ang body… heto iyong kumakatawan sa ating laman (flesh) na sabi ng bibliya ay babalik sa alabok dahil don ito nagmula. Ang spirit… heto iyong nagbibigay sa atin ng buhay (breath of life) gaya ng mababasa natin during the creation sa aklat ng Genesis… ng hiningahan ng Diyos ang ipinorma nyang putik… nagkaroon ng buhay… ito ang bumabalik sa Diyos kapag tayo ay namatay na… iyong spirit at hindi ang tao mismo and ang last iyong soul… heto ang kumakatawan sa ating katauhan, pag uugali… kung sino tayo nong nabubuhay pa… kung masungit ka, iyakin ka, reklamador ka… iyong ating sariling pagkakakilanlan… iyan ang soul na hindi pa pwedeng pumunta sa langit dahil di pa tapos ang bahagi natin sa mundo… ito ang huhusgahan sa araw ng paghuhukom (judgment).

…ang sabi ng bibliya sa Ecclesiastes 7:2 …death is the destiny of every man at sa Hebrews 9:27 …it is appointed unto man to die once and judgment right after.

…in short kapag namatay na ang isang tao, there is no way na matulungan ng ating mga itinitirik na kandila ang kanilang mga kaluluwa… (isipin na lamang po natin… ang pag-gawa pala ng kasalanan ng isang buhay… pag namatay, pagsisindi lang ng kandila ang katapat… para namang unfair po kung magkagayon).

…salamat po at nawa‎’y mayron po kayong napulot na kaalaman.