Tuesday, August 18, 2009

birthday greetings to a friendly socialite!

18 August 2009 (8:45pm)

Kaibigang Rodante,

Ang takdang oras ay sumapit na… at iyon nga ay ngayon na! Upang kami na mga kaibigan mo ay iisang tinig na babati sa yo ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan… eksaktong apatnapu at limang taon na ang sadyang matuling lumipas ng ikaw ay isinilang ng iyong mahal na nanay… 19 ng Agosto taong nayntin sexti por, ang isa sa mga petsang di malilimot ng mga adik mong friends… dahil sigurado walang pagsidlan ang kagalakan sa katuwaan at salu-salong ilalaan sa aming mga mala-piranhang tyan!

Hangad po namin ang higit pang pagkakabuklod buklod ng bawat isa bilang mga tunay na magkaka-ibigan… nawa’y patuloy mong kamtin ang ganap na katuparan ng lahat mong mithiin sa buhay… alam kong halos lahat ng kasaganaan ay nasa mga palad mo na… kaya ang aking bukod tanging handog sa iyo ay ang patuloy na panalanging magkaroon ka ng higit na kagalakan na sa iyong puso’y mananahan… patuloy na kapayapaan iyong kamtan sa tulong ng ating Maykapal… biyayaan ng malusog na pangangatawan gayon din pang ispiritwal at pinansyal… patuloy ka nawang magdulot sa amin ng kagalakan bilang isang kaibigang tunay na maasahan… marami pang oras at araw na pagsasaluhan… sa galak… lungkot at ligaya… nawa’y walang iwanan… isa kang kaibigang handang ialay ang mga bagay na di pangkaraniwan… tunog ng iyong pangala’y may kabutihang taglay… di malilimot milenyo man ay lumisan… Maraming salamat sa iyong pakikipagkaibigan aming mahal na KAIBIGAN!

Have a blessed & peaceful birthday!

Seven

(di ko na po mahintay ang 12mn... antok na po me!)

Monday, August 3, 2009

blessed birthday greetings...

… sa araw na ito ay dapat ipinagdiriwang natin ang iyong ika-78 kaarawan… taong 2009… subalit nilisan mo kami ng ika-6 ng Disyembre… na straight tuloy tayo… 6-7-8-9!

… missed ka na naming lahat, lalo na ako! subalit sa bawat pagkakataong ako’y nasa aking kwarto mananatili kang buhay sa bawat sulok nito… dahil naroron at nakasabit ang iyong mga larawan! Lalo’t higit sa puso ko.

… sa pagkakataong ito, nais kitang batiin ng buong puso… maligayang maligayang kaarawan sa iyo at nawa’y maging masaya at mapayapa na kayo dyan sa kinaroroonan ninyo kapiling ni Tatay, Kuya Nomer at Ate Leila.

… maraming maraming salamat sa lahat ng bagay at ala-ala mong iniukit sa aming mga puso na kahit sa mga huling taon mo ay pinili mong ako’y makasama… kaya pala pinilit mong ako’y umuwi ay upang sa pagdiriwang ng iyong kaarawan last year… kapiling mo ako sa iyong kasiyahan… nakalulungkot mang isipin ay iyon na pala ang huling pag-celebrate natin ng birthday mong kasama ka namin.

… salamat din dahil binigyan mo ng katuparang maka-uwi ako ng Disyembre last year dahil iyon ang balak ko… gumawa ka ng paraan upang makauwi ako…. iyon nga lamang ay isang napakalungkot na paraan… subalit maraming salamat po mula sa kaibuturan ng aking puso na kahit buhay mo ang kapalit matupad lamang ang plano ko… naging okay lang po sa inyo!

… nay isa ito sa pinakamalungkot na araw sa buhay ko, dahil ito ang unang pagkakataong dumating ang araw ng birthday mo na di ka namin kapiling… di ka namin mayayakap at mahahalikan… di ka namin personal na mababati! nakalulungkot at mabigat mang tanggapin… ito ang nararapat upang maging maayos ang lahat.

… alam kong kapiling ka nila dyan sa bahay… sa munting salu-salo sa araw na ito… happy birthday po at mahal na mahal ka namin… at anumang salita ay di maaring ikumpara sa pagmamahal na nais naming iparating sa inyo.

… nawa’y manatili namin kayong gabay kasama ni tatay, kuya at ate… sampu ng ating mahal na Panginoong Diyos.

… maligayang… maligayang… maligayang kaarawan pinakamamahal naming nanay PURING!

Sunday, August 2, 2009

her last birthday... (worth remembering!)

Habang sinisimulan ko ang pagtipa ng salaysay na ito ay pilit kong minumuni-muni kung saan ko pasisimulan… buwan ng marso taong 2008 ako’y nagbakasyon upang tunghayan ang pag graduate ng alaga namin sa bahay na si John john… marami syang nakuhang karangalan na lubos na ikinatuwa namin lalo na si Nanay Puring… at pagkatapos niyon ay nagbakasyon kami sa Baguio!
Muli akong bumalik ng KSA, bago magtapos ang buwan ng Marso… fast forward! Buwan ng Hunyo ng magka-usap kami ni Nanay Puring at tinanong nya ako kung kelan daw ako muling magbabakasyon dahil sabik na daw sya sa akin… ang tugon ko ay kelan nyo ba ako gustong magbakasyon? Sa birthday ninyo o sa Disyembre para maraming okasyon at masaya… dahil ang talagang balak ko ay uuwi ako sa Disyembre dahil nga maraming araw ng kasiyahan… ang tugon sa akin ni nanay puring ay sa birthday na lang daw nya at ang tagal tagal pa daw ng Disyembre… kaya ang aking muling tugon sa kaniya… o di sige sa birthday nyo na lang kahit gusto ko ang Disyembre!
Katapusan ng July ng ako ay lumisan lulan ng Etihad Airways… heto ang aking kauna-unahang pagsakay sa Etihad at sadyang nagustuhan ko ang kanilang pearl class… dahil mayrong partisyon ang bawat upuan at magagawa mo ang gusto mong gawin ng di ka makakadistorbo sa iyong katabi… iniunat ko ang aking paa upang mahiga na… di ako makatulog dahil excited lagi kasi ako kapag magbabakasyon… subalit kinuha ko pa din ang rc at ni-search ko ang mga available na pelikula at mga awiting pwedeng pakinggan… di ko rin ipinagpatuloy dahil mas naisip ko na lang na mag-isip ng mga gagawing preparasyon para sa celebration ng 77th birthday ni Nanay Puring!
Paglabas ko ng NAIA isa si Nanay Puring sa mga sumundo sa akin… niyakap ko sya at hinalikan!
Kinabukasan ay sadyang di maayos ang panahon… laging ulan ng ulan kaya di namin alam kung itutuloy ang celebration! at exactly one year today ng kausapin ako ni Nanay Puring na huwag na daw syang ipaghanda ng marami dahil mas gusto na lang daw nya na ipaayos iyong bubong sa kwarto nya dahil kasi may kisami at kapag umulan ng malakas baka pumasok ang tubig sa loob masira ang kisame… pati na din daw iyong dingding sa may likurang bahagi ng aming bahay… kaya sabi ko sa kaniya… kaya nga ako nagbakasyon ay para magkaroon ng masayang pagsasalu-salo sa birthday nya na halos tatlong pares ng kasuotan ang iniuwi ko para sa okasyong yaon… kaya huwag syang mag-alala na maghahanda kami ng magarbo at ipagagawa ko din kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa bahay… tuloy pa din ang ulan!
Subalit sadyang kay bait ng pagkakataon… bago mananghali ay biglang uminit ang panahon na sadyang sikat na sikat ang araw… kaya dali dali kaming umalis ng bahay para sa mga dapat na preparasyon… una kong pinuntahan ay ang mga balloons ang mga kagamitan… mesa, silya… tapos ay nagpunta kami ng goldilocks… subalit naikot na namin ang buong cavite… ayaw tumanggap ng order ng layered cake kasi less than 24 hours na lang… subalit sa halos kahuli-hulihang goldilocks na pinuntahan namin... sa may noveleta ay naipakisuyo po namin ang cake para sa kinabukasan… tinanong ko kung ano ang mga available design na pwede nilang i-accommodate ng less than 24 hours… kahit napaka simple okay na!
Sumunod naming pinuntahan ay ang SM, Bacoor para bilihin ang isang white tokong na pampalit nya sakaling mainitan sa unang damit na isusuot nya… kasi meron akong biniling golden blouse para sa kaniya ng minsan kami’y magawi sa Centrepoint Al-Khobar… habang naghahanap kami ay tawag ako ng tawag don sa magluluto ng lechon at pinamalengke ko na din ang aking ate para sa mga food na lulutuin nya… pagawa ng simpleng banner at siguruhin na mayrong ikakabit na lona bilang palandong sa lugar na pag-gaganapan... hay kapagod…!
Habang abala ang aking mga kapatid na babae sa pag-aayos ng mga lulutuin, pagluluto at pagbili ng kung ano ano mga bagay na gagamitin para sa pagkain… nilinis namin at isinaayos ang lugar na pagdara-usan ng salu-salo… paglilinis ng bahay ang iba… dumating na ang mga balloons, mesa, silya pati na din ang mga sisidlan ng pagkain, ang banner… ikinabit na din ang mga posibleng pampaayos at pampaganda ng lugar dahil sa sobrang ikli ng panahon… kahit anong maayos na pwedeng ilagay… okay na…!
Nakaligo na si nanay puring… nagpabihis ng di namin namamalayan… kaya pagpasok ko ng bahay ang tanong ko bakit nakabihis agad sila… ang sabi ko kay nanay puring, pupunta pa kayo ng parlor bakit nakabihis na sila at kumpletos alahas na?... maya maya… biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at sobrang lakas ng hangin na tinangay lahat ng mga naiayos ng lugar, pati ang lona, ang mga mesa at sapin… basa lahat… nagdilim ang paligid at kumulog at kumidlat!
Kaya ang sabi ni nanay puring… huwag na lang pumunta ng parlor… siguro nag-aalangan na din kung tuloy pa ang salu-salo… sa isip nga namin, may darating pa bang bisita kung ganon ang lagay ng panahon… pero sabi ko, rain or shine… tuloy ang celebration!
Thank GOD! dahil matapos ang sobrang lakas ng hangin at ulan… biglang silip muli ng araw… uminit ng pagkatindi-tinding init… kaya balikwasan ang lahat… ibinalik ang mga dating ayos bago pa man magdatingan ang mga bisita… pinasamahan na sa parlor si nanay puring upang maging maganda sya pagdating ng kaniyang mga bisita… dumating na ang cake, lechon, ice cream… naluto na ang mga pagkain… naisayos na ang lahat… nagdatingan ang mga bisita… complete attendance ang lahat ng anak, manugang… apo at mga anak ng mga apo… kitang kita ko ang kagalakan ni nanay puring… marami syang natanggap na regalo at maraming picture taking din! ang may akda: seven