Habang sinisimulan ko ang pagtipa ng salaysay na ito ay pilit kong minumuni-muni kung saan ko pasisimulan… buwan ng marso taong 2008 ako’y nagbakasyon upang tunghayan ang pag graduate ng alaga namin sa bahay na si John john… marami syang nakuhang karangalan na lubos na ikinatuwa namin lalo na si Nanay Puring… at pagkatapos niyon ay nagbakasyon kami sa Baguio!
Kinabukasan ay sadyang di maayos ang panahon… laging ulan ng ulan kaya di namin alam kung itutuloy ang celebration! at exactly one year today ng kausapin ako ni Nanay Puring na huwag na daw syang ipaghanda ng marami dahil mas gusto na lang daw nya na ipaayos iyong bubong sa kwarto nya dahil kasi may kisami at kapag umulan ng malakas baka pumasok ang tubig sa loob masira ang kisame… pati na din daw iyong dingding sa may likurang bahagi ng aming bahay… kaya sabi ko sa kaniya… kaya nga ako nagbakasyon ay para magkaroon ng masayang pagsasalu-salo sa birthday nya na halos tatlong pares ng kasuotan ang iniuwi ko para sa okasyong yaon… kaya huwag syang mag-alala na maghahanda kami ng magarbo at ipagagawa ko din kung ano man ang gusto niyang ipagawa sa bahay… tuloy pa din ang ulan!
Subalit sadyang kay bait ng pagkakataon… bago mananghali ay biglang uminit ang panahon na sadyang sikat na sikat ang araw… kaya dali dali kaming umalis ng bahay para sa mga dapat na preparasyon… una kong pinuntahan ay ang mga balloons ang mga kagamitan… mesa, silya… tapos ay nagpunta kami ng goldilocks… subalit naikot na namin ang buong cavite… ayaw tumanggap ng order ng layered cake kasi less than 24 hours na lang… subalit sa halos kahuli-hulihang goldilocks na pinuntahan namin... sa may noveleta ay naipakisuyo po namin ang cake para sa kinabukasan… tinanong ko kung ano ang mga available design na pwede nilang i-accommodate ng less than 24 hours… kahit napaka simple okay na!
Habang abala ang aking mga kapatid na babae sa pag-aayos ng mga lulutuin, pagluluto at pagbili ng kung ano ano mga bagay na gagamitin para sa pagkain… nilinis namin at isinaayos ang lugar na pagdara-usan ng salu-salo… paglilinis ng bahay ang iba… dumating na ang mga balloons, mesa, silya pati na din ang mga sisidlan ng pagkain, ang banner… ikinabit na din ang mga posibleng pampaayos at pampaganda ng lugar dahil sa sobrang ikli ng panahon… kahit anong maayos na pwedeng ilagay… okay na…!
Nakaligo na si nanay puring… nagpabihis ng di namin namamalayan… kaya pagpasok ko ng bahay ang tanong ko bakit nakabihis agad sila… ang sabi ko kay nanay puring, pupunta pa kayo ng parlor bakit nakabihis na sila at kumpletos alahas na?... maya maya… biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at sobrang lakas ng hangin na tinangay lahat ng mga naiayos ng lugar, pati ang lona, ang mga mesa at sapin… basa lahat… nagdilim ang paligid at kumulog at kumidlat!
Kaya ang sabi ni nanay puring… huwag na lang pumunta ng parlor… siguro nag-aalangan na din kung tuloy pa ang salu-salo… sa isip nga namin, may darating pa bang bisita kung ganon ang lagay ng panahon… pero sabi ko, rain or shine… tuloy ang celebration!
Kaya ang sabi ni nanay puring… huwag na lang pumunta ng parlor… siguro nag-aalangan na din kung tuloy pa ang salu-salo… sa isip nga namin, may darating pa bang bisita kung ganon ang lagay ng panahon… pero sabi ko, rain or shine… tuloy ang celebration!
No comments:
Post a Comment