Sunday, October 19, 2008

shoukran jazilan!

mga salitang nais kong iparating sa lahat ng aking mga frends and ka-addique!

sa pagiging mga tunay na kaibigan… kasama at kaagapay sa oras ng kagalakan at tampuhan, mga taong mula sa iba’t ibang rehiyon ng ‘Pinas… mayroong mga kani-kaniyang kakanyahan, kagalingan, kabaitan at kapintasan… subalit kapag nag-sama sama… higit pa ang isang tunay na magkakapamilya (pero higit na bagay ang magkakapuso… ano mang kulay buhay)… sadyang ako’y napaliligaya ninyo sa bawat oras na tayo ay magkakasama… sa opisina, umaatikabong chat… di bale ng walang ma-trabaho basta hindi lang maputol ang kwentuhan… pag labas ng work… kainang walang katapusan… kahit san man makarating at kahit madaling araw na maka-uwi ng bahay at may pasok pa kinabukasan (qanbar)… at kapag mga nananahimik na sa kani-kaniyang lungga… para lang di maputol ang kamustahan… chat sa sms naman ang pinagkaka-abalahan!… sa oras ng shopping kahit na umuwing wala ni isang kusing… basta’t magkakasama… hagalpakan, kasiyahan at kantyawan… walang katapusan…!

subali’t anu’t ano pa man… higit na ako’y napaligaya ninyo sa pamamagitan ng pagdalo ninyo noong nakaraang huwebes… tayo’y muling nagkasalu-salo… sadya’ng kay palad ko… dahil kayo ang nagpapatingkad ng aking kakenkoyan… daghang salamat po sa inyong lahat…


Ariel
(maraming salamat! po sa araw-araw ng padala mo ng dyaryo at sa pakiki-isa mo sa buong grupo)

Bienvenido
(agyamanak! poh sa iyong pagiging makulit subalit kwela at malimit kabatuhan ko ng mga joke)

Bong
(daghang thanks! po sa madalas na pagluluto mo ng bopis at kung anu-ano pah)

Edgardo
(shoukran! sa pagiging socialite mo dahil nahahawa kami kahit kami ay mga dukha at hampaslupa lamang… like na layk ko rin iyong frame na ikaw ang nagpasimula… subalit isiniwalat mo kay Chris na medyo hurt dahil di daw sya ni-invite ng gang [term na ginamit nya])

Irwin
(merci! sa pagiging tahimik mo madalas subalit bigla na lang magpapabunghalit sa grupo ng walang ka-abog abog)

James
(gracias! sa maraming cake at fud na pinaghihirapan mong lutuin maipakain lamang sa aming mga piranhang gutom lalo na tuwing ramadan… tenks din po don sa gift mo at sa wrapper na itinago ko at nag-iisip na ilagay sa frame).

Ricky
(shukriah! sa pagiging laging nandyan at sa pagmamaneho kahit wala kang pasok hehe hehehe hehehehe at sa tula nga ng isang mayaman… sa pagiging mabait)

Rodante
(danke! sa mga oras at panahon ginugol mo sa aming mga aliping saguiguilid na kung minsan at namamahay… sa kabaitan mo na kahit isa kang dugong bughaw… pilit mong ibinababa ang sarili mo sa pakikisalamuha sa amin!... lalo na don sa tula… na naaliw ako at namangha).

Rommel
(obrigado! na tinalo mo si Irwin sa pagiging tahimik kahit na sumasabog na ang bubungan ng kinatatayuan ng grupo sa sobrang ingay at gulo… buhangin pa lang yata ang tasnee magkakasama na tayo eheheh ehehehh)

Vayren
(toa chie! sa pagiging puno ng mga citrus gang hehe eheheh eheheheheh! joke)


Neil at Leonardo
(kamsahamnida! kahit nasa bakasyon pa kayo nong thursday…)

Orlee at Roy
(domo arigato! bagamat di namin kayo naka bonding nong huwebes…)

God Bless you all mga kabayan… kaibigan… ka-addique… ka-tasnee (todo na toh!)

Nawa’y patuloy pang umusbong ang higit pang pakikipag-kaibigan ng bawat isa… pagmamahal at pang-unawang higit pa sa mag-kakapatid… pag-kakaisa kahit sa gitna ng sigalot at di pagkaka-unawaan… patuloy kong hiling ang higit nating bukluran bilang mga nilalang na bagama’t iba-iba… nagkakasundo, nagkaka-unawaan at nag-dadamayan!

Thursday, October 9, 2008

araw ng pagsilang!

sa ating mga pinoy… ikalawa na siguro sa ating mga pipiliin ang pagdiriwang ng kaarawan kapag okasyon ang pinag-usapan... syempre una ang pasko at bagong taon!

sadyang kay bilis ng paglipas ng panahon… parang kelan lang kinakalong-kalong pa tayo ng ating mga magulang… tinuturuang maglakad… ipinaghahain ng pagkain… ipinipili ng mga damit na ating isusuot… hmmmmmmmmmmmmm tapos ngayon... halos tatlong dekada na ang parang bulang bigla na lamang naglaho… sadyang napakasayang alalahanin ang nakaraan… di maiwasang maikumpara ang ating simpleng buhay noon sa mas higit na komplikadong kasalukuyan… ako pala ay magdiriwang na ng aking ika-tatlumpu’t walong kaarawan sa susunod na biyernes (oktubre 17, 2008)…!

sa edad kong ito… hindi pa ako nakapagdiwang ng kaarawan ko na masasabi kong napaka grabe… sa kadahilanang payak lamang ang aming pamumuhay sapat na ang ako ay minsang ma-ipagluto ni nanay puring ng pansit o di kaya ay ispageti, minsan na rin akong nabilhan ng simpleng keyk at maibili ng kuya ko ng ays krim nong ako’y musmos pa lamang… bagong damit tuwing kaarawan, sapat na yaon!

kaya ang adhikain ko naman sa ngayon… ako ang malimit mag-sponsor ng mga magagarbong selebrasyon ng kaarawan ng halos lahat kong pamangkin… ayaw kong lumaki din sila na alalahaning ni hindi sila nakapagdiwang ng malaking salu-salo para sa kanilang kaarawan…! higit syempreng ispesyal kapag si nanay puring na ang may birthday!

kunwari tanungin ako ni rodante… kelan ang birthday mong pinaka hindi malilimutan?

heto po ang aking itutugon…! 17 October (syempre) taong 1986. bakit? heto kasi ang pinaka birthday kong nakatatak sa aking isipan… dumurog ng aking puso… dahil napatunayan kong marami akong kaibigang nagmamahal sa akin! hindi kasi ako pala-barkadang estudyante… subalit merong mga mangilan ngilan at piling klasmeyt na itinuturing kong mga kaibigan ko… 1986, senior na po ng aming high school… syempre istudyante bagamat may pera sapat lamang para sa snack at pamasahe kung may matira man (pang libre kay crush… pang bili ng kulay pink na sulatan ng lab letter o dili kaya greeting card) o madalas ilalaan mo na iyon para sa pamasahe kinabukasan!

17 October 1986… umaga tahimik lamang ako at di ipinapaalam na birthday ko. Pagkatapos kong kumain ng lunch… konting kwentu-kwentuhan ng klasmeyt… punta na sa aming room para sa pratical arts at elective (di sa pagmamayabang medyo campus figure po me ng mga panahong iyon… kaya during the class officer election, parati pong kasama ang aking name) at kilala ng halos lahat ng mga guro! ang hindi ko po alam... cancelled po ang aming klase the whole afternoon… at lingid din po sa aking kaalaman… nag-koleksyon ang buong klase para ibili ako ng cake & ice cream and sopdrinks… pagbukas ng aming room… iyong aming dalawang malalaking pisara don nakasulat ang kanilang birthday greetings sa akin… nagkaroon ng kaunting programa… nagsalita ang isa sa pinaka mataas na guro ng aming high school at ang sabi nya sa akin… akala mo hindi namin alam… love ka namin 'kala mo bah! touched po ako ng sobrang-sobra… kaya talagang di ko iyon makalilimutan!

isa po ang pangyayaring iyon… para pangatawan ko pong maging isang mabait na nilalang!

kaya sa pagkakataong ito… nais kong batiin ang aking sarili ng isang mapagpalang kaarawan! at nais kong patuloy na magpasalamat sa ating Panginoong Diyos sa patuloy nyang paggabay sa akin… patuloy na pag-bibigay ng liwanag sa aking daraaanan… sa aking pamilyang patuloy na nagmamahal… sa aking mga kapatiran… sa aking mga kaibigan… syempre… ispesyal, sa aking mga KAADIK!

Wednesday, October 8, 2008

i am me... ikalawang yugto!

ako ay isang napaka simpleng tao madaling ma-amaze sa mga simpleng bagay… madaling mapa wow! isang nilalang na nagkakaroon ng higit na saya kapag nakatutulong sa aking mga mahal sa buhay… sa kaibigan… sa kapwa! madaling mapukaw ang damdamin at hinding hindi maka-hindi sa mga nangangailangan… di lamang sa peso or riyales… syempre mas medyo malalim pa don! iyong mga bagay na di kayang bilihin ng pera bah!

subalit ewan ko ba naman… ako din ang taong malimit mapagkamalang suplado at serious type baga… kahit na noong ako’y nag-aaral pa lamang… subalit sa sandaling makapalagayang loob, ako ang klase ng taong di mo mapipigilan ang kagalakan… hagalpak kung tumawa hindi ko ibig ang tawang pa-demure… tawa is tawa… regardless of the matter kapag tawanan hagalpak kahit magiba pa ang gusaling inyong kinaroroonan…! di ko rin feel ang mga taong mapagpanggap… lalo na yaong mga social climber… kung mahirap ka di mahirap ka at kung mayaman ka di mayaman… di issue sa akin yaon… ako aaminin kong mahirap lang ako (kahit madalas kaysa minsan na laging napagkakamalang mayaman hehehe) at di kasalanan kailanman ang maging mahirap atleast kahit papaano talagang nagbubunga ang katiyagaan at kasipagan at kung mahirap ka di ka dapat manatiling mahirap… at kung mayaman ka man di mo na kailangang sabihing mayaman ka… dahil walang lehitimong mayaman na umaming siya ay mayaman…! di mo na dapat ipangalandakan na ang kutis mo ay pangmayaman… kahit di ka magsalita… makikita at makikita ang ebidensya! (tanong ko lang din… ano ba ang kaibahan ng kutis mayaman at mahirap??? wala naman ah!) dami kayang mahihirap na kutis porselana!

hindi ko rin masyadong ibig yaong mga kausap na pilit ipinararamdam na mas may alam at mataas sya sa iyo… iyon bang mga nilalang na pilit humuhugot ng mga salitang pwede namang sabihin ng simple subali’t pilit nagpapakatunog dalubhasa… na kahit sa simpleng bagay na pinag-uusapan… may dala-dalang latigo para tumawag ng atensyon at pakinggan sya… sad to say na minsan ang latigong dala nya… madalas kaysa minsan marupok pala ang katapus tapusan… nasisira ang magandang usapan na nagiging parang bula sa kawalan na sa isang kisap mata… nawawala sa karimlan!

ibig ko ang isang kaibigang di mapag-kunwari iyong kung ano ka eh di iyon ka! at di ko rin gaanong layk iyong mga klase ng nilalang na sasabihin kaibigan subalit di mo baga maramdaman ang sinseridad sa oras ng inyong pag-uusap dahil ako rin ang klase ng taong napakadali mong mapaniwala (pero di naman uto-uto)… subalit matandain sa mga bagay na naikwento mo na sa akin… mahilig din ako mang- bluff pero sa nakatutuwang paraan.

ako din ang taong medyo mahilig sa food tripping… hindi na kinakailangan pang mamahalin ang lugar at pagkain paboritong paborito ko ang fried chicken, fried rice, kare-kare at spaghetti & spring rolls… kahit everyday okay lang… di ako masyadong kumakain ng fish lalo na yaong hito, tilapia, dalag at kung ano ano pang klase na di ko masyadong kilala… pero gustong-gusto ko ang galunggong, bangus at fried tuna fish!

hate ko ang makakita ng di maayos na lugar, ang ibig ko pong sabihin iyong maraming mga bagay-bagay na wala sa lugar lalo na sa receiving area ng bahay… nagkalat na dyaryo, mga kahong di nararapat nandoon, iyon bang halatang halata mong hindi nalilinisan ng mahabang panahon… kwartong kahit maganda at magara pero kung ano ano ang mga nakasabit at di naayos na sapin sa kama… bata pa lang kasi ako natuto na akong maglinis ng bahay… at di ako makatulog na marami akong mga nakikitang dapat ayusin… kaya kahit madaling araw na matulog basta matapos ko lang ang mga dapat tapusin…!

di ko rin masyadong gusto ang magkwentuhan at salitaang medyo mga bastos kung pakinggan naniniwala kasi akong ang bawat bagay ay dapat na pag-usapan sa tamang lugar, pagkakataon at mga taong kausap… umiiwas din akong makipag-usap sa mga taong kahit simpleng bagay lamang ang pinag-uusapan ay medyo uulan ng mga salitang mura na parang wala lang… kinikilabutan ako don!

medyo mababaw din ang timpi ko sa mga makukulit… madali tumaas ang presyon ng dugo ko lalo na don sa mga taong ayaw makinig… at mapilit!

ako din ang klase ng taong kapag meron kang naibigay sa akin… talagang ite-treasure ko yaon… mga bagay bagay na di mo aakalaing maitatabi ko ng mahabang panahon… kaya naman ang bahay ko ngayon ay punong punto ng kung ano anong mga token mula sa kumpanya, kaibigan, kabayan at sa mga bagong empleyado ng kumpanya heh ehehehehehehehheheh!

ang isa ko pa palang kapintasan… ewan ba kung kapintasang masasabi… ako ang klase ng taong nahihiyang humingi ng ano man… subalit sa oras na nagsalita ako kung ano man ang kelangan ko at ako’y napahindian… kahit walang kabagay bagay… nakatatak yaon sa puso ko na matagal bago mabura!

hay malapit na ang uwian… ginawa ko ito sa oras ng trabaho... kahapon at ngayon!

meron pa pong part three at sa bahay ko naman gagawin!