Wednesday, October 8, 2008

i am me... ikalawang yugto!

ako ay isang napaka simpleng tao madaling ma-amaze sa mga simpleng bagay… madaling mapa wow! isang nilalang na nagkakaroon ng higit na saya kapag nakatutulong sa aking mga mahal sa buhay… sa kaibigan… sa kapwa! madaling mapukaw ang damdamin at hinding hindi maka-hindi sa mga nangangailangan… di lamang sa peso or riyales… syempre mas medyo malalim pa don! iyong mga bagay na di kayang bilihin ng pera bah!

subalit ewan ko ba naman… ako din ang taong malimit mapagkamalang suplado at serious type baga… kahit na noong ako’y nag-aaral pa lamang… subalit sa sandaling makapalagayang loob, ako ang klase ng taong di mo mapipigilan ang kagalakan… hagalpak kung tumawa hindi ko ibig ang tawang pa-demure… tawa is tawa… regardless of the matter kapag tawanan hagalpak kahit magiba pa ang gusaling inyong kinaroroonan…! di ko rin feel ang mga taong mapagpanggap… lalo na yaong mga social climber… kung mahirap ka di mahirap ka at kung mayaman ka di mayaman… di issue sa akin yaon… ako aaminin kong mahirap lang ako (kahit madalas kaysa minsan na laging napagkakamalang mayaman hehehe) at di kasalanan kailanman ang maging mahirap atleast kahit papaano talagang nagbubunga ang katiyagaan at kasipagan at kung mahirap ka di ka dapat manatiling mahirap… at kung mayaman ka man di mo na kailangang sabihing mayaman ka… dahil walang lehitimong mayaman na umaming siya ay mayaman…! di mo na dapat ipangalandakan na ang kutis mo ay pangmayaman… kahit di ka magsalita… makikita at makikita ang ebidensya! (tanong ko lang din… ano ba ang kaibahan ng kutis mayaman at mahirap??? wala naman ah!) dami kayang mahihirap na kutis porselana!

hindi ko rin masyadong ibig yaong mga kausap na pilit ipinararamdam na mas may alam at mataas sya sa iyo… iyon bang mga nilalang na pilit humuhugot ng mga salitang pwede namang sabihin ng simple subali’t pilit nagpapakatunog dalubhasa… na kahit sa simpleng bagay na pinag-uusapan… may dala-dalang latigo para tumawag ng atensyon at pakinggan sya… sad to say na minsan ang latigong dala nya… madalas kaysa minsan marupok pala ang katapus tapusan… nasisira ang magandang usapan na nagiging parang bula sa kawalan na sa isang kisap mata… nawawala sa karimlan!

ibig ko ang isang kaibigang di mapag-kunwari iyong kung ano ka eh di iyon ka! at di ko rin gaanong layk iyong mga klase ng nilalang na sasabihin kaibigan subalit di mo baga maramdaman ang sinseridad sa oras ng inyong pag-uusap dahil ako rin ang klase ng taong napakadali mong mapaniwala (pero di naman uto-uto)… subalit matandain sa mga bagay na naikwento mo na sa akin… mahilig din ako mang- bluff pero sa nakatutuwang paraan.

ako din ang taong medyo mahilig sa food tripping… hindi na kinakailangan pang mamahalin ang lugar at pagkain paboritong paborito ko ang fried chicken, fried rice, kare-kare at spaghetti & spring rolls… kahit everyday okay lang… di ako masyadong kumakain ng fish lalo na yaong hito, tilapia, dalag at kung ano ano pang klase na di ko masyadong kilala… pero gustong-gusto ko ang galunggong, bangus at fried tuna fish!

hate ko ang makakita ng di maayos na lugar, ang ibig ko pong sabihin iyong maraming mga bagay-bagay na wala sa lugar lalo na sa receiving area ng bahay… nagkalat na dyaryo, mga kahong di nararapat nandoon, iyon bang halatang halata mong hindi nalilinisan ng mahabang panahon… kwartong kahit maganda at magara pero kung ano ano ang mga nakasabit at di naayos na sapin sa kama… bata pa lang kasi ako natuto na akong maglinis ng bahay… at di ako makatulog na marami akong mga nakikitang dapat ayusin… kaya kahit madaling araw na matulog basta matapos ko lang ang mga dapat tapusin…!

di ko rin masyadong gusto ang magkwentuhan at salitaang medyo mga bastos kung pakinggan naniniwala kasi akong ang bawat bagay ay dapat na pag-usapan sa tamang lugar, pagkakataon at mga taong kausap… umiiwas din akong makipag-usap sa mga taong kahit simpleng bagay lamang ang pinag-uusapan ay medyo uulan ng mga salitang mura na parang wala lang… kinikilabutan ako don!

medyo mababaw din ang timpi ko sa mga makukulit… madali tumaas ang presyon ng dugo ko lalo na don sa mga taong ayaw makinig… at mapilit!

ako din ang klase ng taong kapag meron kang naibigay sa akin… talagang ite-treasure ko yaon… mga bagay bagay na di mo aakalaing maitatabi ko ng mahabang panahon… kaya naman ang bahay ko ngayon ay punong punto ng kung ano anong mga token mula sa kumpanya, kaibigan, kabayan at sa mga bagong empleyado ng kumpanya heh ehehehehehehehheheh!

ang isa ko pa palang kapintasan… ewan ba kung kapintasang masasabi… ako ang klase ng taong nahihiyang humingi ng ano man… subalit sa oras na nagsalita ako kung ano man ang kelangan ko at ako’y napahindian… kahit walang kabagay bagay… nakatatak yaon sa puso ko na matagal bago mabura!

hay malapit na ang uwian… ginawa ko ito sa oras ng trabaho... kahapon at ngayon!

meron pa pong part three at sa bahay ko naman gagawin!

2 comments:

°eGa° said...

hehehhee...una ako!
well, wala lang. parang familiar situations and personalities! hehheh...
nwei, tserman. tama ka, suplado ka sa personal pero impression nga lang. kasi mas suplado ka sa malapitan! ay wag pala masyado lalapit, baka mabigwasan! hehehe....
glad 2b ur friend...and i know its here to last. i know may mga pinagsaluhan (like fried rice, kare kare, daing na bangus, etc) at pinagdaanan pero d friendship between deVenecia, Arcache at Arenas gets deeper! ahehehe.
happyB...all d best 4u!

Dante said...

bwahahahaaa!!!! pramis ko two letters lang ang comment ko pero di pala pwedeeeee!!!

makalat na bahay? nagpapakatalino? nagmamaganda? nakaka-aliw, nakakabaliw ang iyong mga tinuran prend!!!

12:30 ng madaling araw pero nawala ang antok ko sa katatawa! abangan ko ang part three dahil siguradong delubyo pa rin. hehehehe....

tenks din dahil it's a previlege to be your prend!

o sige, ihabol ko pa rin ang original kong plano... M.A.!