Thursday, October 9, 2008

araw ng pagsilang!

sa ating mga pinoy… ikalawa na siguro sa ating mga pipiliin ang pagdiriwang ng kaarawan kapag okasyon ang pinag-usapan... syempre una ang pasko at bagong taon!

sadyang kay bilis ng paglipas ng panahon… parang kelan lang kinakalong-kalong pa tayo ng ating mga magulang… tinuturuang maglakad… ipinaghahain ng pagkain… ipinipili ng mga damit na ating isusuot… hmmmmmmmmmmmmm tapos ngayon... halos tatlong dekada na ang parang bulang bigla na lamang naglaho… sadyang napakasayang alalahanin ang nakaraan… di maiwasang maikumpara ang ating simpleng buhay noon sa mas higit na komplikadong kasalukuyan… ako pala ay magdiriwang na ng aking ika-tatlumpu’t walong kaarawan sa susunod na biyernes (oktubre 17, 2008)…!

sa edad kong ito… hindi pa ako nakapagdiwang ng kaarawan ko na masasabi kong napaka grabe… sa kadahilanang payak lamang ang aming pamumuhay sapat na ang ako ay minsang ma-ipagluto ni nanay puring ng pansit o di kaya ay ispageti, minsan na rin akong nabilhan ng simpleng keyk at maibili ng kuya ko ng ays krim nong ako’y musmos pa lamang… bagong damit tuwing kaarawan, sapat na yaon!

kaya ang adhikain ko naman sa ngayon… ako ang malimit mag-sponsor ng mga magagarbong selebrasyon ng kaarawan ng halos lahat kong pamangkin… ayaw kong lumaki din sila na alalahaning ni hindi sila nakapagdiwang ng malaking salu-salo para sa kanilang kaarawan…! higit syempreng ispesyal kapag si nanay puring na ang may birthday!

kunwari tanungin ako ni rodante… kelan ang birthday mong pinaka hindi malilimutan?

heto po ang aking itutugon…! 17 October (syempre) taong 1986. bakit? heto kasi ang pinaka birthday kong nakatatak sa aking isipan… dumurog ng aking puso… dahil napatunayan kong marami akong kaibigang nagmamahal sa akin! hindi kasi ako pala-barkadang estudyante… subalit merong mga mangilan ngilan at piling klasmeyt na itinuturing kong mga kaibigan ko… 1986, senior na po ng aming high school… syempre istudyante bagamat may pera sapat lamang para sa snack at pamasahe kung may matira man (pang libre kay crush… pang bili ng kulay pink na sulatan ng lab letter o dili kaya greeting card) o madalas ilalaan mo na iyon para sa pamasahe kinabukasan!

17 October 1986… umaga tahimik lamang ako at di ipinapaalam na birthday ko. Pagkatapos kong kumain ng lunch… konting kwentu-kwentuhan ng klasmeyt… punta na sa aming room para sa pratical arts at elective (di sa pagmamayabang medyo campus figure po me ng mga panahong iyon… kaya during the class officer election, parati pong kasama ang aking name) at kilala ng halos lahat ng mga guro! ang hindi ko po alam... cancelled po ang aming klase the whole afternoon… at lingid din po sa aking kaalaman… nag-koleksyon ang buong klase para ibili ako ng cake & ice cream and sopdrinks… pagbukas ng aming room… iyong aming dalawang malalaking pisara don nakasulat ang kanilang birthday greetings sa akin… nagkaroon ng kaunting programa… nagsalita ang isa sa pinaka mataas na guro ng aming high school at ang sabi nya sa akin… akala mo hindi namin alam… love ka namin 'kala mo bah! touched po ako ng sobrang-sobra… kaya talagang di ko iyon makalilimutan!

isa po ang pangyayaring iyon… para pangatawan ko pong maging isang mabait na nilalang!

kaya sa pagkakataong ito… nais kong batiin ang aking sarili ng isang mapagpalang kaarawan! at nais kong patuloy na magpasalamat sa ating Panginoong Diyos sa patuloy nyang paggabay sa akin… patuloy na pag-bibigay ng liwanag sa aking daraaanan… sa aking pamilyang patuloy na nagmamahal… sa aking mga kapatiran… sa aking mga kaibigan… syempre… ispesyal, sa aking mga KAADIK!

2 comments:

Dante said...

aha! ako naman ang una... sipag mag-post ni tserman ngayon huh!

unang-una po tserman, hapi-hapi-hapi! kahit ganito lang ang ating kakayanan na mag-selebreyt, importante, selebreyt pa rin tayo. ako nga noon, tumigil na kaka-selebreyt eh. eh nang maging member ng adik, wala nang choice, kailangan mag-treat! bwahahahaaa!!!

kabisado mo na talaga ako huh, pati tanong na ibabato ko sa yo na-anticipate mo! pwes, magiisip ako ng ibang tanong... like - kung iha-hug ka ni MA sa birthday mo, ano ang gagawin mo? wala lang! hahahaha

hapi-hapi bday ulit. antay na namin ang 16th para sa masarap na salo-salo! at sa 17th, naku di na ako magulat kung may dalang cake si james, spag si ega, dinuguan si ren, chika si jun, chika si wing at citrus si tito bong/aye! ay bawal! hahahaha

°eGa° said...

aha, at naunahan ako ni Dante Arenas! hehehe...

38 kpa lang??? d halata! harharhar.

nwei, its olweiz a blessing celebrating birthdays kasi its a way of thanking that there is additional year that we are blessed with. salamat kay Lord kasi makakasama pa natin ang mga mahal natin...there may be years adding in our age because of that pero its what those added years made us which is more important. lalim db? hehehe.

there are things we still wish for ourselves whenever birthdays come, which money cannot equal. i know u hav as well. whatever that is, ibulong mo lang. may nakikinig sau.
God bless you, God bless your family, God bless the friendship! huhuhuh (naiiyak ako! wahhhhhh)
happy birthday!