
…nang magkaroon ako ng pagkakataong basahin ang nilalaman ng bibliya at maunawaan at patuloy na inuunawa ang bawat salita, talata at kabanata nito… ay natutunan kong wala namang itinuturo o nabanggit man lamang patungkol sa purgatoryo… pati na ang kandila para tanglaw sa kanilang paglalakbay… kaya nasa atin na rin kung tayo ay susunod sa tradisyon na ating nakagisnan… tama man o mali. Dahil kung ako ang tatanungin, sa hirap ng buhay ngayon… sa mahal ng kandila at bulaklak sa mga panahong ito… maari na itong gamitin pambili ng mga pagkain ng mga naghihikahos… dahil talaga namang di na makikita o mararamdaman ng mga namayapa nating mga mahal sa buhay kung ano man ang gawin natin para sa kanila… kaya habang buhay pa ang mga mahal natin sa buhay…ipakita natin ang ating pagmamahal at concern sa kanila habang pwede pa nilang i-appreciate ang mga ginagawa natin… hindi kung wala na doon natin itotodo ang pagbili ng mamahaling lalagyan nila na matutunaw lamang sa loob ng libingan… ang nais ko lamang ipabatid ay… pwede nating alalahanin ang mga namayapa nating mga loved ones… sa pamamagitan ng pagtupad o pagsunod sa mga magagandang bagay na itinuro nila sa atin… ang sa akin lamang ay pagpapabatid at hindi ko naman sinasalansang ang mga nakagisnan natin.
…kapag napag-uusapan ang mga namayapa… ang unang una nating maririnig ay… wala na, sabay turo sa langit at nandon na raw ang namayapang mahal sa buhay o kakilala… na kay Lord na… isipin natin kahit sinong masamang tao kapag namatay ang sasabihin ng pamilya nya… napakabait nya… kasama na sya ni Lord sa langit… kung ating lubos na uunawain na kahit gaano kasama ng isang tao pag namatay pala nasa langit at kasama na ni Lord.
…para di tayo malihis ng kaunawaan ay pagdamutan ninyo ang munting kaalamang ito, ang isang tao/nilalang ay binubuo ng tatlong mahahalagang components… body, soul & spirit. Ang body… heto iyong kumakatawan sa ating laman (flesh) na sabi ng bibliya ay babalik sa alabok dahil don ito nagmula. Ang spirit… heto iyong nagbibigay sa atin ng buhay (breath of life) gaya ng mababasa natin during the creation sa aklat ng Genesis… ng hiningahan ng Diyos ang ipinorma nyang putik… nagkaroon ng buhay… ito ang bumabalik sa Diyos kapag tayo ay namatay na… iyong spirit at hindi ang tao mismo and ang last iyong soul… heto ang kumakatawan sa ating katauhan, pag uugali… kung sino tayo nong nabubuhay pa… kung masungit ka, iyakin ka, reklamador ka… iyong ating sariling pagkakakilanlan… iyan ang soul na hindi pa pwedeng pumunta sa langit dahil di pa tapos ang bahagi natin sa mundo… ito ang huhusgahan sa araw ng paghuhukom (judgment).
…ang sabi ng bibliya sa Ecclesiastes 7:2 …death is the destiny of every man at sa Hebrews 9:27 …it is appointed unto man to die once and judgment right after.
…in short kapag namatay na ang isang tao, there is no way na matulungan ng ating mga itinitirik na kandila ang kanilang mga kaluluwa… (isipin na lamang po natin… ang pag-gawa pala ng kasalanan ng isang buhay… pag namatay, pagsisindi lang ng kandila ang katapat… para namang unfair po kung magkagayon).
…salamat po at nawa’y mayron po kayong napulot na kaalaman.
1 comment:
ngayon ko lang po ito nakita at magkasabay pala tayong nag-post ng halos the same tema ng blog.
salamat sa paglilinaw mo ng tungkol sa body, spirit and soul. at sa pagkaka-intindi ko ng iyong sinulat, halos iisa ang tinutumbok natin.
medyo mas malalim at based sa bible yong paliwanag mo samantalang yong sa akin ay medyo militante ang dating dahil galing sa sarili kong interpretasyon.
pero nagkakatugma tayo doon sa puntong habang nabubuhay, yon ang chance natin na gumawa ng dapat gawin - maging mabuti at mahalin ang mga mahal nating pamilya.
pareho din tayo doon sa puntong hindi ako naniniwala sa basta sinabi lang na ganito, kaya sunod na lang tayo ng sunod.
maaring magkaiba ang sinulat natin pero hindi tipong north and south ang ideya. at kakaunti ang pagtatalunan natin kung susuriin mabuti.
salamat again sa pagse-share ng mga words of wisdom. kaya lagi rin akong bumibisita dito... sana ang mga ka-adik natin magbasa din ng ganitong medyo malalim kahit minsan para may ibang point of view naman silang makita/marinig.
Post a Comment