Tuesday, January 6, 2009

nay... sa iyong paglisan...

Tanging yaman… Hiram… at Paglisan… mga awiting aking personal na ni-request sa Parish Choir… upang awitin nila sa araw na kung saan ay ihahatid na namin sa huling hantungan ang katawang lupa ng aking pinakamamahal na Nanay Puring…!

Sa aking pag-iisa, paulit ulit kong iniaalay ang awiting ito sa kaniya…

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan
Ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig
Hmmm

Sa pagbuhos ng ulan
Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin ahhh
Di man umihip ika'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ooh ooh ooh ooh

Nay… mas higit pa sa pag-ibig ang aking pabaon sa iyo… alam kong napakinggan mo ang mga salitang aking binitiwan bago ka namin inihatid… hindi ako nag-paalam sa iyo… dahil ayaw kong isipin at pilit kong sinasabi sa puso ko… magkikita-kita pa tayo… maaring hindi ko batid ang oras at araw na yaon… subalit patuloy akong aasa at pakamimithiin na sa pagdating ng araw na yaon… magbabalik muli sa ating lahat ang kaligayahan!

1 comment:

Dante said...

dear frend, alam ko at kita ko ang lungkot sa iyo kahit kausap ka namin at balik tawanan na naman tayo. yan yong sakit na maramramdaman mo pag nag-iisa ka na sa iyong kwarto, pag nakahiga ka na at matutulog. pero bago ka dalawin ng antok, ang mga alaala ni nanay puring ang pumapasok sa isip mo.

it will last a long, long time. matagal bago mo matanggap ang katotohanan na physically, hindi mo na sya kasama. pero tama ang sinabi sa kantang inalay mo sa kanya. wala nang iba pang hihigit pa sa pabaon mo sa kanya. ang pag-ibig na kailan man ay hindi mapapawi sa puso mo.

time will heal all wounds, totoo yon. but it will never make you forget one such great person.

your faith in the Lord will give you the most important strenght to go through it all. kayang-kaya mo yan. God bless my frend.