Wednesday, May 21, 2008

i am me!

ako po ay si raoul valles aranuel cupino macahilo na ipininangak sa bayan ng rosario, lungsod ng kabite noong ika-labing pito ng oktubre taong isang libo siyam na raan at pitumpo habang nagpuputukan ang mga kwitis (ang kwento sa akin ni nanay puring / kaya ang sabi ng komadrona ay magiging maswerte daw ako!). ako ay namulat, lumaki, nakapag aral at nagtapos sa aming lungsod… hangad ay isang simpleng buhay at may payak na pangarap (makapag bigay ng kasiyahan at kaalwanan sa pamumuhay ng aking pamilya lalo na kay nanay puring), nagtapos ng pag-aaral noong 1991 (habang nag-aaral ay nasubukang magtrabaho sa zenco footsteps, philips at isang factory ng imported na damit – american top 40) pinalad na makapag trabaho sa gitnang silangan simula taong 1992 sa larangan ng administrasyon (hrd / personnel / employee relations / recruitment) sa lugar ng riyadh (thinet international), jeddah (bmc), yanbu (yanpet) at sa ngayon nga po ay nasa jubail industrial city (aaf / ar-razi / tasnee petrochemicals) na bumubuno na ng labing-limang taong kabuuan at halos ay kalahati na ng aking buhay (subalit maligaya at lubhang nagkaka-roon ng pagkakataong makatulong sa mga mahal ko sa buhay)… ang aking mga magulang ay sina virgilio at purificacion macahilo... sinundan ng aming bunso sa sampung magkakapatid... ang aking butihing kabiyak ay si veronica austria austriaco na nagmula sa lalawigan ng baguio at kasalukuyang naghihintay na biyayaan ng isang supling upang maipamana ang aking kabaitan… (heheh hehehe hehhehe, hayaan nyo na ko… blog ko ito, hehehe joke lang po)… marami pa pong karugtong (mababasa po ninyo once na ako po ay nagkaroon ng sapat na halaga upang magkaroon ng sariling linya www sa aking tinitirahan… at dahil ayaw ko pong mapabilang sa buwanang unang sampu sa pag-gamit ng www sa aming opisina… hehehe ehheheeh heheehhehe hehehhehe

1 comment:

Dante said...

you are you talaga!!! it's your body not mine! heheheh...

15 years ka na pala dito sa saudi? pareho lang tayo noh... nag-break kasi ako noon from 98 to 03 kaya ganon.

antayin namin ang mga kasunod na posting dito ha... and before i forget, yes, sana matupad na this year ang pagkaroon nyo ng baby ng misis mo. naunahan ka pa ni ricky! hehehehe